Tuesday, May 16, 2017

Subic's RegattaXSummerSiren

SinoPinas sent me to Regatta’s Summer Siren in Olongapo last May 12-14.



Siyempre, I was happy ‘coz I get to pull out OOTDs for the event. We were designated to be picked up in Mandaluyong area and as my co-participants started joining the ride, naisip ko talaga na mali ata ako ng nasakyan. Bakit puro mukhang artista ‘yung kasama ko. Mukha akong julalay nila beh. Napilitan tuloy ako mag-red lipstick. Lol.

Umupo na lang ako sa pinakadulo ng shuttle at nanahimik pero siyempre ‘di ko rin natiis ‘yung daldal ko while we were having breakfast sa NLEX stopover. So I learned more about my shuttle buddies, Dale (who is from Regatta Marketing and the one who tapped SinoPinas), Crisha (who eventually became my roomie), Brandon, Kurt, and Dylan.

We arrived around lunch at Subic and registered for the Summer Siren. After having lunch with the rest of the Regatta team (Toni, Erika, Neil, Kerbs), we checked in and agreed to meet at 3 PM for the Inflatable Island experience.


Inflatable Island


Post Process by @christianpadua_


Ang masasabi ko lang dito, di ako nainform na workout pala ‘to – matinding arm day. First ko natanaw is ‘yung mga tao headed towards the highest point (the orange rectangle on the farthest right). Akala ko, slide lang ung ganap dun. Meron palang pa-jump towards another rectangular floater (the blue orange, and white floater under the rectangle) that is meant to toss ung person lying on the other side. 

Takot talaga ako sa heights but I love adventures so I jumped looking at the horizon. Fail tuloy kasi may i-hit na part ng floater to toss the other person towards the water successfully. Na-slide lang ung floater buddy ko pabagsak sa water.

When it was my turn to be tossed, beh, nasaktan ako kasi pagka-toss sakin, tumama ung ulo ko sa dulo ng floater. Para akong nabagok. Pero masaya naman kasi inulit ko pa.

We went to the other parts pero struggle to go to the other sections kasi may challenges on the way like you have to jump on floaters with waters separating them bago makacross or kailangan mong mag-baras (monkey hang) or kailangan mong gapangan ung four big cylindrical floaters na parang gulong beside each other and are only attached by a rope so puwede ka mag-roll pailalim to the water again.

We did “cliff jumps” and the baging jumps (similar to Cambugahay Falls in Siquijor) and also wall climbing sa floaters na struggle coz madulas. Struggle nga mismo ung pagsampa sa floater pag bumaba ka sa water kasi you have to pull yourself up using ropes lang. But super daming ganap.

Check them at http://www.theinflatableisland.com/


Summer Siren Day 1 “Hugot Concert”




Medyo late na kami nakawash up for the concert. We watched SUD at 8 pm before having dinner 


SUD



We went back for UDD. Sayang na ‘di naming naabutan sila Gab and John of Urbandub. Baka kinanta nila ‘yung favorite song ko sa I’m Drunk I Love You na kahit favorite ko, di ‘ko maalala ‘yung title at ung lyrics. Buttt, UDD! Siyempre di na pinag-uusapan kung gaano kagaling ang UDD. 


UDD!



Then EDM by Jason Dewey followed so people went from hugot songs to party music. 





The team started drinking and planned to drink some more pero medyo strategic kami ni Crisha sa pagiging #TeamTulog.


Water Activities

Gumising ako ng maaga para magproduct shoot for SinoPinas at bilang di naman talaga ako photographer at model, mga 30 minutes ako sa pagsetup ng tripod at timer, lakad-takbo, pose, at ulitin from step 1. Kaya nasulit ko ung breakfast buffet na may pacereals sa kagutuman ko.


Ay bes, ang layo.

Bes, puro pata ko.

Ay, natakpan ung bundok

Ayy, nawala na ung bag, bes

Ayy, chaka the hair

Ay, chaka the posture

Ay chaka nakatagilid

Hmmmm

Ibang pose naman haha

Ay, natakpan na naman 'yung bundok

Ay, nawala uli ung bag

Ay chaka nung isang shoulder lang nakasuot

Beh, ung totoo?


Beach shot na nga lang. Test shot muna.

Ang layo!

Di kita ung quote!

Guys, ayoko na. Saka ko naisip while making these captions na may Smart Remote app ung camera ko. Sana niremote control ko na lang pagshoot kaysa nagtatakbo ako sa pagsetup ng tripod at position ko. Kapagod!


Water activities started around 10. Dylan and Arvic tried fly boarding na sana pala triny ko rin para nagkandalunok-lunok ako ng tubig. Charot. Basta, amazing siya pero need ng leg strength and balance kaya baka maging swimming activity lang siya sakin. 


Dylan on Fly Board


I settled sa pag-angkas sa jet ski while Mark drone shots everything.



Kurt and Crisha on jet ski


Yacht Party

Bago ‘yan, naenjoy ko ung lunch with crispy pata, bulalo, chicken, at marami pang iba. We rode the Regatta yacht and circled around Subic Bay. Sobrang serene lang and fun kasi dami alcoholics and chips but ung Lay’s at tubig ‘yung nilantakan ko kasi pabebe ako lol. So naenjoy ko ung paghiga-higa sa yacht kaya nakatulog ako maya-maya.


Shot by @mark_essex


Summer Siren Day 2 “Party Music”

We arrived at almost 6 pm sa hotel after the yacht party and I remembered na wala pa akong shot for posting sa SinoPinas kasi di lang ako happy sa shots ko, I ran to the beach to catch the sunset and take some snaps.


Post Process by @christianpadua_


Dinner was at 8 pm across our hotel. I ordered sausage and a cup of rice kasi ‘di naka-rice meal ung sausage. Strawberry shake was served after a few minutes pero ayoko agad inumin since baka mabusog ako for the main course. Kaso beh, naserve ung sausage after more than an hour. Nung naubos ko na ung fried potatoes mixed with the sausage, ‘di ko na natiis but asked the waitress for the extra rice I ordered. Si beh, sinerve after a long while, nakaplatito. Extra rice nga naman kasi so kumain ako ng main course sa platito dahil natakot akong di na makakain kapag nagrequest pa ako ng plato. Anyhow, masarap ung dishes nila except one-woman restaurant ata si waitress kasi tarantang-taranta siya.

We went partying at the concert grounds. Super okay the EDMs and while most are under the influence of alcohol, I was under the influence of strawberry shake. Siyempre, pinanindigan naming ni Crisha ang pagiging #TeamTulog at 2 am.


Subic Activities I Recommend:

Inflatable Island (kahit two-hour pass lang)
Water Activities especially flyboarding and jet skiing
Yacht Partying (what we gathered is it’s 5k per hour rental and we used the yacht for about three hours with around 20 people in the yacht but check nyo na lang rates at Subic Yacht Club for accuracy but must try)


Where to Eat in Subic (in the order of my preference):

Vasco's near Subic Yacht Club Ang sarap ng bulalo, crispy pata, and chicken!

Xtremely Xpresso Cafe The best 'yung cheesecake and they serve fruit shakes without sugar, like they ask if you don't want sugar proactively. Haha. Ang sarap din ng grilled liempo and lasagna and the pepper steak looks promising though di ko natry. Haha.

Texas Joe's House of Ribs Solid 'yung ribs and gigantic servings. Di ko naubos ung sausage sandwich.

Le Soleil et La Lune Dito ung pinakaeconomical na kinainan namin. Their shakes are at P95 and we're talking about gigantic shakes. Sarap din nung sausage and nung fried potatoes with it. Matagal lang sila mag-serve like two hours. Haha


Team RegattaXSummerSiren

Clark's Toyota Vios Cup

It was a fun Labor Day weekend at the Toyota Vios Cup especially because it was a dream for me to see the Grand Prix just to hear tire screeches and roaring motors - something similar to what you hear from movies like the Fast and Furious.



My next goal now is to car race, rather, learn to drive first hahaha pabida.

Alam mo kasi, sobrang hot nila Gretchen Ho, Jasmine Curtis-Smith, and Aubrey Miles in their race suits. I was in awe.

Racers and Organizers

The Celebrity Racers Playing on the Kiddie Track

Jasmine Curtis-Smith

Gretchen Ho - super bubbly!


Apart from the celebrity racers, I was also amazed by a lot of female racers in the Sporting and Promotional category such as Coseteng and Medrano who stood out last Toyota Vios Cup.

Btw, the Toyota Vios Cup is on its fourth season and it happens quarterly so watch out for the next schedule.


The Race Track or part of it. Super lawak. Wala akong wide lens lol

And yes, accidents happen.


Bukod sa lahat, naenjoy ko our accommodation and buffet meals for the said weekend. We stayed at Midori Casino and Hotel in a suite with a king size bed, its own toilet and bath, and higit sa lahat, a bathtub at its veranda. O di ba ang shala?


Ang shala naman neto. Wala neto sa bahay.
Gusto ko lang talaga magbubble bath nung una pero maya-maya, lumapit ung photographer friends and roomies ko, sila Raniel @rayniyel and John @mvltiple, at naisipang magshoot, myself as the subject basta nakatakip ung mukha or most of it. Kbye.

Raniel: "Cor, higa."

Raniel: "Parang mas maganda kung paa mo lang ang kita."

"Bes, gaano kadaming buhok pa ung itatakip ko sa mukha ko? Kanina ka pa padagdag ng padagdag."

Shot by Raniel Hernandez 
@rayniyel

Shot by John Austria @mvltiple
 Anjan ung pinalublob nila ako sa bathtub na nilagyan ko na ng sabon kaya hilam-hilam ako. Flat on my back kaya pasok ung tubig na may sabon sa ilong ko.

"Bes, kailangan ko ba talagang malunod sa bath tub?"
Shot by John Austria @mvltiple

"Bes, dami ko nainom na tubig na may sabon"
Shot by John Austria @mvltiple

"'Di pa rin ba tayo tapos?"
Shot by John Austria @mvltiple

The next day naman, pinagapang-gapang nila ako sa sahig, pinahiga-higa sa pintuan na may matulis na bakal sa hinihigaan ko para sa sliding door. Ung gandang-ganda ako sa white long sleeve polo ko pero pinahubad pa rin kasi prefer nila ung may katawan ko pero walang mukha. Ang saya nilang kaibigan. Lol

"Bes, pinaglololoko mo lang ba ako parang siya?"

"Bes, masakit 'yung bakal ng sliding door sa likod."
Shot by Raniel Hernandez @rayniyel

The Food Experience at the Toyota Vios Cup VIP

Sa shuttle pa lang, buffet na ung snacks and drinks. I was seated beside Raniel, myself at the window seat. Nung nagstart magpasa ng snacks, inabot nang inabot ni beh sa likod e gusto ko ng Loacker. Pero nung Piknik na, hinarang naming lima sa SinoPinas @SinoPinas (yes, we were also with the two other founders, Karl @larkvain and Alexis @litratonijuan @sinosijuan). Wala nang Piknik na nakarating sa likod. Ung katapat ni Raniel, di nakatiis. Nagpaabot kay Alexis ng Piknik. Sila beh kasi, lakas maghoard. Hinoard din namin ung Lay’s, Ruffles, at marami pang iba. Sana mainvite pa kami sa next Toyota event.

'Di sakin yan, guys. Believe me. ('Wag po sana akong i-ban ng Toyota sa events nila)


Dahil sa kabusugan ko sa dami ng hinoard naming snacks, di ako masyado nakakain during the Greek-inspired lunch buffet.

Then check in sa shala hotel, then the bathtub ganap, then the Japanese-inspired dinner buffet. Konti pa rin nakain ko kasi nabusog ako sa tubig ng bathtub.

Breakfast buffet was served at Midori Hotel and Casino. Super love ko ung hakaw, brownies,at kumuha ako ng sandamukal na Yakult at yogurt. Charot. Tig-isa lang kasi late na kami kumain like 20 minutes left prior to the race program.

Lunch buffet and dinner buffet pa rin like bes, sumuko ako sa pagkain. Pinakamemorable sa'kin though is ung snacks buffet na Filipino-style. Pagpasok pa lang nung dirty ice cream cart, pumila na ako. Mej cranky si kuya at ininform na di pa oras magserve. Naghintay ako mga 30 minutes pa pero sulit naman kasi nakaapat na balik ako para sa avocado ice cream. That's on top of one glass of halo-halo na nilunod ko sa gatas, at ung Buko Pandan ice drop. Race to sugar rush, bes.

Super sarap nga rin pala ng salted egg pasta nung dinner. Paano ko un makakalimutan. Kbye.

Toyota Vios Cup ung title pero puro pagkain ung kuwento at puro portraits ko ung picture. Tsk.