Monday, March 6, 2017

About Me: Ung Mahabang Version

Eto ung mahabang version ng About Me kasi di sapat para sakin ung 140 characters.

Frustrated Traveler. Homebody talaga ako by nature at naniniwala na ang happiest place on Earth ay 'yung kama ko pero isang tawag lang ng kaibigan ko o isang text mula sa di kilalang number (Guys, di ako nagse-save ng numbers sa phone kasi I try to memorize them for emergency reasons. Ung may kabisado akong maraming numbers na puwedeng kontakin without my contact list anytime), so isang invitation lang, always on the go ako. Pag sinabihan mo ko ng road trip ng 4 pm, naibook ko na ung accommodation ng 5 pm, ready to go na ako ng 7 pm. Matagal kasi ako maligo kaya additional two hours.

Frustrated Writer. Eto ung hirap na hirap akong gumawa ng introduction pero pagkatapos ng first sentence, di ko na mapigil ung flow ng thoughts. Nagiging epiko ung caption lang dapat ng Instagram post. Puwede ng libro. Kaya masanay ka na sa nobela kong blogs.

Maigsi pa yang caption na yan. Kbye.


Frustrated Introvert. Mahiyain talaga ako by nature. Nung bata nga ako, lagi akong nakayuko maglakad kasi mas gusto kong bilangin kung ilang linya sa daan ung nalagpasan ko kaysa makakita ng kakilala ko. Pero pag may naisip ako tapos kating-kati akong sabihin, nagiging bff ko ung katabi ko sa upuan. Ung tipong after a few weeks, nakikitulog na ako sa bahay nila kasi feeling close na ko maski sa pamilya at aso niya.

Frustrated Social Media Specialist. Heads up, guys. Mangilan-ngilan na ung taong nagbanggit na magblog ako kasi wala akong kasing daldal. Dami kong naiisip. Ung mga Facebook albums ko, kakailanganin mo ng 15 minutes minimum para matapos basahin ung description. Ung problema ko talaga, mej di ako techy kaya di ko alam paano gumawa ng blogsite. Nagkawanggawa naman ung isa kong kaibigan. Nagvolunteer siyang gawan ako ng blogsite. Kaya tignan mo kinalabasan. Siya nagdesisyon sa pangalan ng site Manay Ventures. Para lang akong negosyante. Tapos may pacaption pang "mga kuwento sa biyahe ni Manay" na hanggang ngayon, di ko alam paano papalitan. Ung totoo, bakit Manay? Di ba ang sarap murahin ng friends ko?

*Side story lang: Bakit Manay? After ilang years ng buhay ermitanyo ko mula sa pag-aaral nang mabuti ng kolehiyo at pagsusumikap pagtapusin ung mga kapatid ko sa kolehiyo, bumawi ako sa gala at napasama sa isang Instagram traveling community na itago natin sa pangalang SinoPinas (Follow them @SinoPinas on Instagram. O di ba, may pagpromote?). Sa group na yun, ako na ung eldest na female. Pag may tumatawag sakin ng ate, nagagalit ako at sinasabihan kong di ko sila kapatid. Pinalitan nila yun ng Manang at sinabi kong ate rin ung ibig sabihin nun kaya tigilan nila ako. Pinalitan nila ng Manay. Napagod na ko, guys. So alam niyo na nangyari.

Thanks nga pala kay @edgeventurer_tm on Instagram para sa pagvovolunteer sa pagsetup ng blog. Pastilan! Charot.

Frustrated Artist. Tinry kong magwatercolor painting nung bata ako. Masayang-masaya pa ko sa pagpinta ng sumisikat na araw sa gitna ng dalawang bundok at puno pa ng ibon sa himpapawid. Nang lumapit ung kapatid ko at sinabing bakit ako nagdodrowing ng sumasabog na bulkan. Tinry ko rin ung calligraphy at sinukuan ako ng calligrapher kahit one-on-one na kami. Tinry ko rin ung photography pero fail ng mga shot ko sa friends ko, mali-mali ung framing o sobrang liit nila sa picture di mo sila makikilala. Tinry ko rin ung videography pero dahil frustrated minimalist ako, ung subject kong bangka sa dagat, 1/1000th lang nung clip. Di mo akalaing may bangka, akala mo puro langit. Kaya shots na lang ng friends ko ung ipopost ko dito. Malamang puro portraits ko kasi ako pinipicturean nila. Huhu. Saya. Bida sa modeling. Talikogenic at malayogenic ako, guys. Wag masyado mag-expect.

1. Pag nakatalikod:

Shot by Alexis Lim @litratonijuan @sinosijuan
2. Pag malayo:

Shot by Jantzen Tan @jaaantzen
3. Pag nakaharap:

Shot by John Austria @mvltiple

O di ba, tinakpan pa rin mukha ko kasi mas maganda ung shot pag di kita ung mukha ko.

Frustrated Lover. Charot lang. R lang. Walang love. Kbye.

***

P. S. Di ko talaga alam paano magsisimula ng travel entries ko if magbackpost ba ako ng old travels or moving forward na travels na lang. Pero sa mga friends ko na may access sa FB albums ko (paprivate setting ang peg), puwede naman kayo magrequest ng FB album na ipopost ko (akala mo FM radio na puwedeng magrequest ng kanta) para ipost ko na rin ung itineraries ng mga gala ko para matigil na ko sa pagrereply sa mga FB travel pages kasi naaawa ako sa mga tanong nang tanong ng itineraries para makamove on na ko para di na ako masaktan. Charot. Puro para. Ung P. S., mahaba pa sa intro.

***

March 6, 2017 3:30 AM (Ung totoo? Bakit ako nagnonobela sa madaling araw?)

10 comments:

  1. Finally, welcome to blogging world! Haha, saya basahin, more blogpost please 🙏🙏

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahahahaha! Okay po, Sir! Cooking up another post!

      Delete
  2. Nakakatuwa itong blog mo,Cor! Good job! 😃

    ReplyDelete
    Replies
    1. OMG! From The Karl Olivier! Hahahahaha thanks!

      Delete
  3. hahaha... so happy to see you blog cor... ayan.... di na ako nakiki manay ha hahahaha! Hope to catch up with yah guys soon!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahahahaha mema blog lang kasi. See you soon! May Tripkada event sa Sat eve kung bet mo lol

      Delete
  4. Cutieeee! <3 Hope to see you again soon!

    ReplyDelete